BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, December 4, 2009

L.O.V.E.

Madaming depenisyon ng pag-ibig o love. Ang isang taong marunong magmahal ay hindi lang basta tumitingin sa kung anong depenisyon nito.
  • Kung mahal mo ang isang tao makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo, ngunit handa mo itong harapin basta't magkahawak kamay kayo.
  • Kapag ang tao ay in love, hindi nya mapapansin ang mga bagay na hindi dapat gawin dahil ang mahalaga para sa kanya ay ang kapakanan at ikabubuti ng kanyang minamahal.
  • Mararanasan nyang hindi matulog kakaisip.
  • Gagawa sya ng paraan para sa kinabukasan.
  • Matutuo syang tumanggap ng kahit anong komento galing sa ibang tao.
  • Ibahagi lahat ng bagay na meron ang isa.
  • Dahil mahal mo sya, handa kang tanggapin lahat ng mali nya. Gawa man ng nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
  • Hindi ka nawawalan ng pag asang matutuwid lahat ng problema maliit man o malaki.
  • Magagawa mong matulog na magkasama kayo kahit hindi nagpapaalam sa mga magulang.
  • Magsisinungaling sa ibang tao.
  • Gumastos para sa ikabubuti at ikasasaya nyo pareha.
  • Puntahan sya kahit na hating gabi na para sunduin o dalawin.
  • Mag ubos ng load para lang magkaroon kayo ng communication.
  • Masasabi mong sya ang strength mo. Pero sa kabilang banda, sya din ang weak mo.
  • Ipag palit ang mga lakad para lang makasama sya.
  • Magagawa mong hindi maging madamot.
  • Iisipin lage ang kapakanan ng kapareha.
  • Handa kang bitbitin lahat ng dala nya.
  • Ok lang na maulanan ka wag lang sya.
  • Dalawin sya at ibili ng gamot kapag may sakit sya.
  • Magagawa mong pasayahin lahat ng taong nasa paligid nya.
  • Di bale nang wala kang pera basta sya meron.
  • Lahat ng bagay hati kayo.
  • Handa kang masaktan.
  • Kahit masakit para sayo tatanggapin mo pa din ang sorry nya. Paulit ulit man un, wala kang magagawa dahil mahal na mahal mo sya.
  • Asahan mo luluha at luluha ka.
  • Sasaktan mo ang sarili mo para lang kaawaan ka nya at maramdaman mo ang pagpapahalaga sayo ng taong mahal mo.
  • Matutuo kang maging matured gawa ng mga pangarap na nabuo nyo pareho.
Kapag nagmamahal ka, makakalimutan mo ang lahat pati na ang sarili mo. Siya. Siya ang pagsisilbihan mo. Pagod ka man, basta para sa kanya gagawin mo ang lahat ng bagay at tatanggapin ng buong buo..ng walang pag aalinlangan.


Friday, November 27, 2009

Ang Pagbabalik

Isang taon, apat na buwan at labing walong araw na ang nakakaraan simula nang huli akong nakapagpost sa blog ko. Sobrang dami nang nagdaan. Binalikan ko ang dating na-post ko dito,bday ni Guia (July 10, 2008). November 28, 2009 na ngaun. Maraming pagbabago. Mula sa pamilya, kaibigan, pag-aaral, trabaho at pag-ibig.



PAMILYA



Mukhang sa nakalipas na taon, buwan at araw naging magulo ang relasyon ko sa pamilya ko. Sa makati ako nagstay hanggang April,2009. Kung bakit akoumalis don? gawa ng pagpapaalis sakin dun. Minabuti ng pamilya ko na sa Antipolo nalng ako tumuloy habang nag-aaral. Mahirap para sakin dahil hindi ko gustong pumunta sa Antipolo dahil sa Makati na umikot ang buhay ko simula nang magkolehiyo ako. Sa makati, lahat nagagawa ko. Although may mga dapat limitahan, masasabi ko pa din na independent ako dahil malayo ako sa pamilya ko at nakasanayan ko na din na suportahan ang pag-aaral ko. Masakit sakin ang pag-alis ko sa makati. Pero tinanggap ko un. Makalipas ang ilang buwan ng pagsstay ko sa Antipolo, napagod na ako. Nasira pati ang pangalan ko, pagkatao ko sa bahay. Nawala ang tiwala sakin hanggat dumating sa puntong nagising nalang ako isang umaga na wala na sila. Wala nang suporta galing sa knila. Wala nang pagmamahal at wala na kong natawag na PAMILYA...


PAG-AARAL


Malayo ang bahay namin sa skul. At para makarating ka sa TIP manila kailangan mo ng 100 para lng sa transportation. Lingid sa kaalaman ng iba na naging mahirap sakin ang pagpasok sa skul. Unang una, hindi sapat ang pera ko para sa baon ko araw araw. nahirapan akong mag-adjust pero kinakaya ko. Minsan sa skul na ako inaabutan ng antok. Sa skul di ko na nagagawang mag-aral o pumunta sa library. Mas madalas ang pagtulog ko sa mga ibat ibang pasilyo dun. Dahil dito, dumating ang araw na nagdesisyon akong ihinto ko nalng ang pag-aaral ko. Hindi ko na kaya ang mga requirements namin. Kelangan laging maglabas ng pera. Minsan pa nga hindi na ko nakakasabay sa agos sa talakayan sa skul. nahirapan akong pumasok. Pumapasok akong walang libro. Kinakapalan ko nalng ang mukha ko sa lahat ng kaklase ko..minsan pa nga pati sa professor namin humingi ako ng tulong. Sa huling buwan ng sem hindi ko na kinaya. Minabuti kong ihinto nalng ang nasimulan ko. Kahit na sobrang bigat ng nararamdaman ko.. Gusto kong makatapos. may pangarap akong gustong makuha. Pero nawala lahat un. Sobrang sakit sakin na tanggapin ang katotohanang nagawa kong magdesisyong huminto ng pa-aaral..



TRABAHO


Umalis ako sa makati. Nawalan ng trabaho. Dahil sa Antipolo na ko nakatira, kailangan kong humnap ng trabaho para mabuhay ako. kailangan ko ng source of income. Pumasok ako sa isang fastfood chain bilang isang crew. Patayan ang trabahong iyon. kailangan mo tlaga ng lakas para magawa mo ang trabaho dun. Tiniis ko lahat ng iyon. Kailangan kasi. Naaalala ko pa nun, sobrang lungkot ko dahil sa kabila ng pagod ko, 300 lang ang sinahod ko sa unang cut off. Madami kasing deduction kasama na dun ang uniporme. malungkot dahil hindi ko iniexpect na un ang kapalit ng lahat ng pagod ko. Sumunod na cut off 3500 na. masaya ako nung araw na un. mabibili ko na ang mga gusto kong bilin. makakain ko na ang gusto kong kainin. Pero di pa pla sapat un para sa pang araw araw na gastos ko. Lahat ng un sa pamasahe lang naubos. Ni hindi ko nagawang bumili ng para sakin nung nagtrabaho ako dun. Tumagal ako ng limang buwan sa trabahong un. May mababait na manager at may masungit din. Pero nalampasan ko un. Sa pagttapos ng kontrata ko dun, kelangan ko ulit makahanap ng trabaho. Ngaun, minabuti kong mag-apply sa ibang industry. Tutupadin ko ung pangarap kong maging isang call center agent. Oo, nagapply ako sa iba't iabng kumpanya. Kinakapalan ko lang ang mukha ko pra matanggap. Wala akong karanasan sa industry na un pero alam ko naman na kaya ko din ang ginagawa ng iba. Hindi ko iniinda ang bawat pagod. Minsan di ko na alam kung pano ako makakauwi dahil kulang na ang pera ko. Kahit pa murahin ako ng mga driver dahil sumasabit ako na hindi nagbabayad e ok lang sakin. Ang importante ay makauwi ako. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na kung wla kang pera.



KAIBIGAN


Nadagdagan ang kaibigan ko simula ng pumasok ako sa trabhong un. Kahit papano nageenjoy ako sa ginagawa ko dahil sa company nila. Pero gawa din ng pagkukulang ko sa mga klasmeyt ko sa skul, ni hindi na ako nakakasunod sa knila. Sa mga lakad, sa mga happenings. Pero tiniis ko un. Dumalas ang pag-iisa ko sa skul. Walang kaibigan. may iilan na sumasabay sakin pero ang totoo wala na ung dating mga kaibigan ko... hanggang sa ngaun, wala akong malapitang kaibigan ngaun. malungkot pala ang buhay ng walang kaibigan. Walang pagkkwentuhan. wlang yayayaing lumabas. Walang dadamay. Walang mangaasar sau. Walang kaiyakan. Walang kasama sa lahat.



PAG-IBIG




Komplikado. Ito ang unang pumasok sa isip ko. Komplikado ang lahat. HINdi naging madali ang lahat. nakilala ko sya sa pinapasukan kong fastfood chain. Samin dalawa mas nakakataas ang posisyon nya. kaya lahat ng kasamahan ko sa trabaho ay ginagalang xa. Sya naman, kwela. Unang kita mo sa knya, parang wala syang problema..Jolly kung idescribe ng iba..masiyahin syang tao..may determinasyon at purisgido at dedicated sa trabaho nya. Nagustuhan ko sya at di nagtagal naging kame. Kahit na mahirap, kinaya ko, namin ang lahat. Umikot ang mundo ko sa kanya. nagkaroon ako ng pangarap kasama sya. nag iba ang lahat sakin. simula sa pananaw, ugali at pati na ang pakikisama ko sa ibang tao. halos makalimutan ko na ang gampanin ng isang kaibigan sa mga kaibigan ko lalo na ang maging anak sa sarili kong magulang. Madami akong sakripisyong ginawa para magkita kame sa isang araw. Dumating pa sa puntong kailangan kong mamili kung sya at ang oras ko sa pamilya ko. Lumipas ang mga araw na napapadalas na ang pagkikita namin. Nakilala na nga namin ng malalim ang isa't isa. Mahal ko sya. At mahal nya din ako. Dumalas man ang araw na mag aaway kame, hindi hadlang un para masira ang nasimulan namin. Ilang bugbog, pagkikitil ng buhay, pagpapasagasa man ang dumating, nandyan pa din sya..handang itama ang lahat gawa ng kanyang nakaraan. Nangako kame na mamahalin pa namin ang isa't isa sa paglipas ng panahon. Magsasama sa hirap at ginhawa. Tutupadin ang nabuong pangarap at magsasama hanggang sa kami'y tumanda..