Madaming depenisyon ng pag-ibig o love. Ang isang taong marunong magmahal ay hindi lang basta tumitingin sa kung anong depenisyon nito.
- Kung mahal mo ang isang tao makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo, ngunit handa mo itong harapin basta't magkahawak kamay kayo.
- Kapag ang tao ay in love, hindi nya mapapansin ang mga bagay na hindi dapat gawin dahil ang mahalaga para sa kanya ay ang kapakanan at ikabubuti ng kanyang minamahal.
- Mararanasan nyang hindi matulog kakaisip.
- Gagawa sya ng paraan para sa kinabukasan.
- Matutuo syang tumanggap ng kahit anong komento galing sa ibang tao.
- Ibahagi lahat ng bagay na meron ang isa.
- Dahil mahal mo sya, handa kang tanggapin lahat ng mali nya. Gawa man ng nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
- Hindi ka nawawalan ng pag asang matutuwid lahat ng problema maliit man o malaki.
- Magagawa mong matulog na magkasama kayo kahit hindi nagpapaalam sa mga magulang.
- Magsisinungaling sa ibang tao.
- Gumastos para sa ikabubuti at ikasasaya nyo pareha.
- Puntahan sya kahit na hating gabi na para sunduin o dalawin.
- Mag ubos ng load para lang magkaroon kayo ng communication.
- Masasabi mong sya ang strength mo. Pero sa kabilang banda, sya din ang weak mo.
- Ipag palit ang mga lakad para lang makasama sya.
- Magagawa mong hindi maging madamot.
- Iisipin lage ang kapakanan ng kapareha.
- Handa kang bitbitin lahat ng dala nya.
- Ok lang na maulanan ka wag lang sya.
- Dalawin sya at ibili ng gamot kapag may sakit sya.
- Magagawa mong pasayahin lahat ng taong nasa paligid nya.
- Di bale nang wala kang pera basta sya meron.
- Lahat ng bagay hati kayo.
- Handa kang masaktan.
- Kahit masakit para sayo tatanggapin mo pa din ang sorry nya. Paulit ulit man un, wala kang magagawa dahil mahal na mahal mo sya.
- Asahan mo luluha at luluha ka.
- Sasaktan mo ang sarili mo para lang kaawaan ka nya at maramdaman mo ang pagpapahalaga sayo ng taong mahal mo.
- Matutuo kang maging matured gawa ng mga pangarap na nabuo nyo pareho.
0 comments:
Post a Comment